nakakangawit…
tumayo ng 3 oras,
sa kanto.
Ubos na ang baga sa kahihithit
ng sigarilyo.
Tila walang katapusan--
ang pagsindi.
Ayokong tigilan,
ang paghithit at paghihintay.
3 oras pa lang,
idagdag pa sa 3 taon na bawat
araw kong itinayo rito.
Sa walang sawang pag-abang,
sa iyong sana’y pagbabalik.
Ngunit tulad ng mga taong iyon
di na nga siguro mangyayari
ang aking inaasam,
na muling malasahan ang tamis…
at pait…
ng iyong mga labi.
Sabik sa panghihinang tanging ang
kamay mo lamang ang
nakapagdudulot.
Naubos na ang panahon—
ubos na rin ang mga abo.
Nakakapagod palang tahakin
ang ginawa mong daanan.
Paikot-ikot. Paikot-ikot—
iisang direksyon lang naman…
pabalik lamang sa’yo.
Ubos na ang mga upos.
Siguro nga’y di ka na darating pa,
At kailangan ko ng tuluyang
lisanin, ang kantong ito.
Tumalikod…magsisimula na akong lumakad.
Papalayo rito, Papalayo sa iyo.
At hinding-hindi na akong…
Lilingon pang muli. #aisa#
No comments:
Post a Comment
Thank you for visiting my humble blog! I read all your comments (even though I don't reply often). So keep them coming! Love to everyone:)