21.12.08

KOOLASA'S FUN LIFE!!!

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
from Batch 2000 blog in Facebook. I miss!

Ey dudes, sigurado ko na miss niyo na high school life kaya eto gumawa ako ng listahan ng mga hindi malilimutang kalokohan at kaartehan… Para ‘to sa batch 2000, sa kada ko, sa piso-piso at sa mga naging sections ko na Rose, Anne, Walburga and Angela!!! –-nieto (batch 2000)-

NUNG 1ST YEAR (1996-1997)


1. Nahihiya tayong mag-bloomers pag PE

2. Tinitingala naten lahat ng CAT officers lalo na yung mga CAPTAINS na may black na arm band

3. Hindi naten malilimutan si MOT-MOT as in Ms. Motas na mahileg magsabe ng “BUT”

4. Lage tayong may games sa quadrangle tuwing morning… kaya nag-away ang Bernadette at Rose

5. Guitar and Piano lessons with Mrs. Yusi

6. Isa ba kayo sa mga nakapansen na kamuka ni Ms. Caparas si Cherry Pie Picache?!

7. Halos pumatay na tayo ng THE teacher dahel sa pagtahe ng shorts at apron… pati tsinelas!!!! Nye-to!

8. Uso ang mga namamalimos ng PISO tuweng recess at lunch… isa ako sa mga yumaman dahel sa raket na to

9. Naaalala niyo pa ba si Don Juan?!

10. Saan niyo itatapon ang paper plate, sa green or sa red na trash can?

11. Yeeha… nagbabaon pa tayo ng lunch!

12. Isa ka ba sa mga maka-boybands tulad ng BACKSTREET BOYS?!

13. Lahat eh nagmamadaleng umuwe para manood ng MARIMAR

14. Walang kakonse-konsensyang nagtatago ng sapatos ng mga nagno-novena sa prayer room… sige makarma kayo ngayong college…

15. Hindi pa bawal ang Coke!

16. Nung pinagbawal ang Coke eh lahat tayo eh nagbilihan na lang ng BIG 250

17. Maarte tayo sa pagpantay ng socks naten…

18. Nangarap tayong maging student-teacher… uy nag-feeling!

19. Ayon sa CAT officers… bawal matulog during mass… bawal magpaypay during Gospel at consecration … ang maingay instant WARNING SHEET!

20. Naaalala niyo pa ba ang yung suot ng cheerdancers naten nung Sportsfest?!

21. Hatest subject: guidance… Fave time: Study Period… yeeha!

22. Agawan sa copy ng BLUE HEIGHTS para lang basahen yung komiks sa likod!

23. Ms. Quasimodo : "Go up, downstairs!" - anuraw?!

24. Ms. Lazaro - MARIMAR?!!??!?!


NUNG 2ND YEAR (1997-1998, yellow pa rin)

1. Abala lahat sa Asianfest, sa pagluluto nung mga kung anu-anong pagkaen ng mga iba’t ibang Asian countries

2. Abala lalo sa play sa AL

3. Pa-astigan ng hair, as in paiksian… kaya lahat may VR

4. Ang tambayan tuweng morning eh sa may flagpole

5. Na-mulikat ang mga fingers naten dahel sa JAZZ HANDS ni Ms. Delfino

6. Sister section ng Anne ang Martha

7. La cumbia (kung anuman spelling) with Mrs. Delfino

8. Nauso ang CHOCNUT… lahat na-addict… bentang-benta sa aten yung canteen

9. Debate sa AL

10. Si KOKEY ang pantasya ng bayan… eeew!!! Kaya tuloy isang ka-batch naten eh nabansagan nito… hi Sheryl!

11. Isa ka ba sa mga nagma-may-ari ng LISA FRANK na bag?!

12. Naaalala niyo pa ba kung sino yung lalakeng nakatale sa puno?!… si Florante!

13. Naka-locker nga pero ang lock eh ballpen or crumpled paper… walang pambile ng lock…

14. Kilala niyo pa ba yung nagsabe nito, “J J space”… si Dematera! Haha!

15. Halos namatay na yung kalingkingan naten dahel sa napakabigat na capital letter A at colon sa typing.

16. Lahat ng peeps eh naghihilamos gamet ang POND’S FACIAL WASH sa CR sa tabe ng Monica

17. Hindi ka “in” kung wala kang butterfly na clip sa hair

18. Bentahan ng mga senti na tapes… yeeha… nagbenta ko nyan!

19. Laos ka kung hinidi mo alam ang lyrics ng BUTTERCUP

20. TAMAGOCHI… hirap ng may alaga… tae pa ng tae pag nasa class ka… shiyet talga!

21. Nakagamet ka na ba ng BUFFER? Sige nga… ano ang sunud-sunod na colors na ikikiskis mo sa kuko mo?!

22. Isa ka ba sa mga nagka-crush kay LEONARDO DI CAPRIO nung Titanic times o kay PRINCE WILLIAM nung namatay si Princess Diana?!

23. Alam niyo pa ba ang kantang to, “Hsia, Shang, Chou, Chin, Han, Tang, Sui, Yuan, Ming, Manchu?”

24. Sumayaw ang Martha ng walang tugtog!siyet..nakakahiya..
haha!


NUNG 3RD YEAR (1998-1999)

1. YAHOO naka-jogging pants na tayo sa PE!!!

2. Ang VR eh naging IR na

3. Na-unite lalo ang batch 2000 dahel sa bandana!

4. Pahirapan ang CHEM… nakakabaog yung mga questions ni Mrs. Cruz

5. Notoryus section ang Hilda dahel nag-ihaw pa sila sa classroom

6. Cheerdancer ka kung ang hairdo mo eh naka-ponytail tas may at least 3 clips sa ilalaem nun… na-imagine mo?! Basta yung hairdo lage ni Laurie at Elaine B.

7. May developing tendencies nung MOCK WEDDING

8. Mukang engot yung PARODY na tungkol sa shepherd ek ek

9. Halos ipa-salvage na naten si CAPARAL… shiyet!!!!

10. Ayon kay CAPARAL… pag may bagsak ka eh makakatanggap ka ng LOVE NOTES… haha… di ba LOVE LETTER yun?!

11. Sinabe ni CAPARAL sa Mechtilde nung maingay sila, “Kung ayaw niyo makineg… WAG KAYONG LUMABAS!”… huh?! Anu raw?!

12. Sinabe naman ni CAPARAL sa pinakamamahal niyang advisory class na Walburga nung nag-ingay sila, “Sige mag-ingay kayo… UUPUAN KO KAYO!”… nye-to!

13. Ms. Gabor eh ang the best teacher na nagpapatawa pro hindi ngumingite… alam niyo pa ba yung PROVING sa Geom?!

14. Spray paint sa CR… todo inspeksyon yung batch 1999 para malaman kung sino may gawa nun…

15. Na-tsismis na end of the world na raw at 3pm kaya lahat nagpakabaet nung morning tas pagdateng nung hapon eh naging monster ulet….

16. Marameng nagpilet mag-drawing para makapasok ng ARTKLAS!!!

17. Addict naman lahat sa CHOKI-CHOKI… kita niyo nagbenta pa si ela… haha…

18. NOLI ME TANGERE… ano ang title ng Kabanata 1?!

19. Nalapnos ba ang makinis niyong mga kamay sa paghulma ng kandila tuweng THE sa Tuason Center?!

20. Heraman ng jogging pants na hindi naman nilalabhan dahel lageng nasa locker lang… ultimong PE t-shirt hindi pinatawad!… baboy naten!!!!

21. Sino tong THE teacher na nagsabeng, “If you do not want to listen, you might as well jump off the window”?… isa pang clue… nakulong siya… pero hindi siya ang may sala…

22. Ang recess eh lageng CARBONARA or SQUID BALLS or NACHOS

23. Ang lunch eh lageng CHICKEN NUGGETS

24. Ang juice eh lageng PINEORANGE or ICED TEA

25. Bumenta ang shingaling… astig ka carol!

26. Nood ng cheering practices tuwing lunch

27. Abala sa MUSICAL PLAY

28. Mukha tayong tanga sa MONOLOGUE naten sa Pnoy!… na-picture-an ba kayo ni Barrera?!

29. Nabansagan si Lydia ng Mama L…

30. Isa ka ba ng may ka-on sa ibat-ibang araw ng kalendaryo?

31. Isa ka ba sa nagbobonding ng lunch time para sa anniv mo ng araw ng yun? O kung hindi naman e kayo na pagkatpos ng lunch?!


NUNG 4TH YEAR (1999-2000)

1. Yeeha… G na yung nakalagay sa badge naten! We’re superior!

2. Lahat tayo eh saludo kay MASTER YODA!!!… yeah! Sensya sa artklas…

3. Muntek na ulet tayo pumatay ng THE teacher dahel sa cross stitch

4. Term paper na mala-thesis sa English

5. Isa ba kayo sa mga nabulag kay Mr. Cena o Mr. Ariola (kung anuman spelling) o Mr. Cagas… hi Kathy T.!

6. MENTOS at KIYAMOY (kung anuman spelling) naman ang bumenta sa aten

7. Nakaka-miss yung assembly sa quadrangle… yung taga-kuha ka ng name ng section naten tas mabababad tayo sa araw tas pagagalitan tayo ni Ms. J… yung pinakatahimek na section eh mauunang paakyaten kaya lahat nag-iingay para mabawasan kahet na 10 minutes yung 1st subject

8. Book report sa Pnoy… nabasa niyo ba yung IBONG MANDARAGIT, TUNDO MAN MAY LANGIT DIN, TIMAWA, BATA BATA PAANO KA GINAWA, etc?!

9. EL FILIBUSTERISMO… ano ang ginamet na pangalan ni Ibarra sa nobelang ito?!

10. Walang kamatayang bonding sa mga crush or sa mga friends… hanggang gate 7 inaabot… makapag-solo lang… haha…

11. ARNIS with Sir Chobobby (kung anuman spelling ni Mr. Trinidad)!

12. Alam niyo pa ba ang position na… FIREMAN’S DRAG?!

13. Sinumpa naten ang PHYSICS

14. Bonding with different batches dahel sa Sportsfest… yung yellow, green, red at blue… remember?!

15. O, anung hairdo ni Ms. Medina?!

16. Kilala niyo pa ba si Amadeus at ang kanyang walang kamatayang tawa?!

17. Nakakaawa ang Glee Club dahel sila ang napapagalitan sa puro vandalism sa chairs

18. Sikat ka pag may nangmura sayo sa chair sa music room or sa kahet saang CR… siempre buong high school nakikita yun!

19. Tuweng Friday, paunahang makarateng sa mcdo. at sumasampa sa kung kani-kaninong service para lang makapuntang mcdo!

20. Naubos na ang mga bola sa mcdo… kumpleto ko lahat ng colors!!!

21. In 10 minutes… draw and label the world map… use red ballpen in writing the capitals

22. RETREAT WITH FR. OG!

23. GRAD… batch 2000… poocha… kaka-miss!!!

24. Grad na nga eh mali-mali pa ang lyrics ng “Come loyal Benedictine children…”… o baka pati title hindi niyo pa alam…

25. Isa ba kyo sa na-mpeach sa class officer position dahil sa conduct nung 3rd year?!


A Scholastican will always be a Scholastican… nyorks… basta koolasa tayo…! Mabuhay ang ST. SCHO. 2000!

No comments:

Post a Comment

Thank you for visiting my humble blog! I read all your comments (even though I don't reply often). So keep them coming! Love to everyone:)